Ang ating mga kidneys ay napakahalagang mga organs na maraming ginagampanang trabaho sa ating katawan. Kapag hindi natin sila inaalagaan o napabayaan natin sila, unti-unti silang nasisira at nagkakasakit, ang tinatawag na CHRONIC KIDNEY DISEASE o CKD. Isa ang CKD sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay sa buong mundo
Halos lahat ng mga dahilan ng pagkakaroon ng CKD ay naiiwasan at nagagamot, kaya mahalagang alamin ang 8 GOLDEN RULES para maalagaan ang kidneys at maiwasan ang pagkakasakit ng mga ito
1. Mag-exercise
Ang pag-ehersisyo ay nakakatulong para mapanatili ang tamang timbang, mapababa ang blood pressure at ang risk ng chronic kidney disease. Mag exercise at least 150 minutes per week ng moderate intensity aerobic activity gaya ng brisk walking, mga gawaing bahay (gardening, paglilinis ng sahig) at dancing or 75 minutes per week ng vigorous aerobic activity gaya ng running, basketball, biking.
2. Kumain ng masustansiyang pagkain
Ang tamang diet ay susi sa pagpapanatili ng ating kalusugan. Ang pagkain ng maraming sariwang
prutas, gulay, isda at nuts ay nakakatulong para mapanatili ang tamang timbang at makaiwas sa
mga sakit gaya ng DIABETES, HYPERTENSION at STROKE.
Limitahan ang dami ng SODIUM o asin sa pagkain. Ang Recommended na dami ng sodium sa
isang araw ay 2 grams o katumbas ng 1 kutsarita ng asin upang mapababa ang risk ng
pagkakaroon ng HYPERTENSION.
3. Check at kontrolin ang blood sugar
Ang DIABETES ang number 1 na dahilan ng CHRONIC KIDNEY DISEASE at PAGDIDIALYSIS sa
buong mundo. Ang MATAAS NA BLOOD SUGAR ay nakakasira ng mga kidneys. Maaaring
mapigilan ang pagkakaroon ng CKD kung kontrolado ang blood sugar.Kung may DIABETES na,
ang pag-kontrol ng BLOOD SUGAR ay makakatulong para mapabagal ang pagkasira ng kidneys
4. Check at kontrolin ang blood sugar
Ang DIABETES ang number 1 na dahilan ng CHRONIC KIDNEY DISEASE at PAGDIDIALYSIS sa
buong mundo. Ang MATAAS NA BLOOD SUGAR ay nakakasira ng mga kidneys. Maaaring
mapigilan ang pagkakaroon ng CKD kung kontrolado ang blood sugar.Kung may DIABETES na,
ang pag-kontrol ng BLOOD SUGAR ay makakatulong para mapabagal ang pagkasira ng kidneys
5. Uminom ng wastong dami ng tubig
Mahalagang panatilihin na HYDRATED ang katawan palagi. Ang DEHYDRATION ay nakakasira ng
mga kidneys. Ang paginom ng 8-10 glasses ng tubig araw-araw ay sapat na sa karamihan ng
situation. Kung aktibo, nag-eehersisyo o buntis, maaaring mas maraming tubig ang kailangan
mo. Kung may sakit naman sa puso, maaaring limitahan ang dami ng tubig na iinumin.
6. Huwag manigarilyo
Ang pagsisigarilyo ay nakakataas ng blood pressure na pwedeng makaapekto sa kidneys.
Nagdudulot din ito ng damage sa mga ugat at mas malapot na dugo na magiging sanhi ng kaunti
blood flow patungo sa kidneys. Isang risk factor din ang paninigarilyo sa pagkakaroon ng HEART
ATTACK at STROKE.
7. Huwag abusuhin ang mga gamot
Ang mga gamot tulad ng mga PAIN KILLERS (gaya ng ibuprofen) ay nakakasama sa mga kidneys
kung sila ay inumin nang madalas. May mga supplements din na naglalaman ng mga chemicals
na nakalalason ng kidneys. Maiging kumonsulta sa inyong doktor para sa tamang dosage at
paginom ng iba’t ibang gamot.
8. Palaging mag-monitor ng kidney function
Importante ang regular checkup ng kidney function kung ikaw ay may diabetes, highblood,
obesity o may lahi ng sakit sa kidney sa pamilya.Kung mayroon ka ng isa o higit pa sa mga
nabanggit na risk factors, mas mataas ang risk mong magkaroon ng kidney disease. Ang pagtest
ng kidney function ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga blood tests gaya ng serum
creatinine at urine tests gaya ng urinalysis at urine albumin/creatinine ratio.
Di ba, hindi kailangan ng mga kumplikadong mga gamot o mga "vitamins" at supplements na kadalasan
ay mas mahal pa kesa sa mga gamot. Sabi nga nila, PREVENTION IS BETTER THAN CURE. Kaya dapat
alagaan natin ang ating mga kidneys!