Pagbabago
Ni Agnes Alarilla Alba, MD
Ano na nga ba ang dapat gawin
Sa mabilis na paginog ng ating mundo
Sanga sangang daan ang babagtasin
Maging alerto sa bawat sigundo
Unang tingnan ang ating sarili
Isipin at tayo ay magmunimuni
Kung ano ang maliliit na Gawain
Na maari nating aksyonan at unahin
Magsimula sa sariling pamilya
Tamang Gawain at pagpapahalaga
Ang ating anak at kasambahay
Sila ang inspirasyon at tagapagbigay buhay
Maayos na pakikitungo
Maliwanag na direksiyon
Mapagmalasakit ngunit
Sa matuwid laging kumapit
Ngunit ito ay sadyang mahirap
Nakakabulag at nakailito sa isang kurap
Minsan ang nakararami ay akala mong tama
Nalilimutan ang wasto dahil sa pakikisama
Kailangan natin manindig
Magbingbingihan ng ang tukso ay di madinig
Ipikit ang mata kung kailangan
Sa tama ay huwag ng magalangan
Pagbabago- ito ay laging narito
Pagibig sa kapwa – ialay at wag magsawa
Ipaglaban kung ano ang tama
Sabandang huli sa atin pa rin ang huling tawa