PANGHImagas – by: Marvin C. Callanta, MD
Sa mga naunang ipinanganak sa amin…..NAALALA MO PA BA NOON NA:
- P0.10 lang ang pamasahe, kandong libre pa.
- Ang babae lang ang may hikaw.
- Ang preso lang ang may tattoo.
- Si Erap, Jinggoy, Bong Revilla at Lito Lapid ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa. Ngayon headlines na.
- Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
- ARCEGAS at GOODEARTH Emporium ang shoppingan sa bansa.
- Diyes lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic cups noon si Manong na magtataho
- Chocnut, Tarzan Gum at kending Vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo.
- Sarsi with egg ang pampataba at star margarine, at matamis na bao sa umaga.
- Nagkaka-kalyo ka dahil sa manual type-writer pa ang ginagamit mo para sa school paper mo
- Kaya uso pa noon ang carbon paper.
- Tancho. 3-Flowers o Superman Pomade ang pang-ayos ng buhok mo.
- KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa’yo para inumin mo bago matulog.
- Nakakapag-grocery ka na! 20 piso lang ang dala .
- Anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo.
- May Party Line pa noon “hello party line, paki baba. Emergency lang”
17. Sampung taon ang hihintayin mo bago makabitan ng telepono. Ngayon ilang oras lang.
- Computer cards ang iyung tinutupi para maging barilbarilan.
- Singkwenta sentimos lang ang songhits .
- Kay Ka Paeng Yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita.
- Sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit.
- Pinagtatawanan ang kalbo. “Pendong Kalas Kalbo”
- Hindi uso ang gusot ang buhok at damit. Ngayon may gusot mayaman na.
- Nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplay pa ang panty at pusod.
- Cabaret ang tawag sa mga girly bars. Ngayon ay Music Lounge na
- Hostess pa ang tawag noon, ngayon Guest Relations Officer na.
- Sa Escolta ka namimili ng pamasko mo. Ngayon kahit sa bangketa ay talo-talo na.
- Payat na payat ka pa noon.
- Highway 54 pa noon at wala pang EDSA.
- Malago pa ang buhok mo noon.
- Jingle lang at Songhits nakakanta na. Ngayon naka Karaoke na.
- $1.00 = 4 pesos ang dollar exchange rate
- Dati naninigas ang mga damit natin dahil sa almirol, ngayon palambutan na sa dami ng softener.
- Ang bentahan ng bigas ay per salop at ganta, ngayon per kilo na.
- Php5.00 lng patahi ng pantalon at Php3.00 nman ang polo shirt.
- P0.05 lng ang mumurahing soft drinks. Para maging class P0.10 ang Coke at Pepsi.
- Pag meron kang sakit, Royal Tru Orange at biskwit Soda ang pinapakain ng Nanay mo sau.
- Walang sakit na hnd nagagamot ng Vicks Vaporub.
- Wala pang instant coffee nuon. Barako na pinapakuluan ang kape.
- Pedeng uminum sa garden hose.
SOMETIMES you will never know the true value of A MOMENT until it becomes A MEMORY.