Ano nga ba ang Nocturia?
Ikaw ba ay madalas umihi sa gabi? Baka ikaw ay nakakaranas ng Nocturia?
Ang NOCTURIA ay ang mahigit sa 2 beses na pagdalaw sa banyo sa gabi, nakakahadlang sa pagtulog at nagigising na pagod sa umaga. Maaaring masyadong maraming inumin bago matulog, uminom ng gamot na naglalaman ng diuretics, maaaring may bawas na kapasidad ng pantog, o itinuro mo sa sarili na magigising at umihi sa gitna ng pagtulog.
Ang nokturya ay pangkaraniwan sa mga matatandang tao. Maaari itong maging sanhi ng mga problema sa pang-araw-araw na buhay. Maaari nitong gambalain ang iyong pagtulog at malagay ka sa panganib ng mga pagkahulog kung ikaw ay bumangon sa dilim upang umihi.
Ano ang karaniwang mga dahilan ng nokturya?
- mga karaniwang problema sa puso at sa bato;
- pamamaga ng bukong bukong;
- pag-inom ng mga tabletang pampa-ihi sa gabi;
- pag-inom ng maraming likido, alak at mga inuming may caffeine (tsaa, kape at cola) bago matulog sa gabi;
- Mahinang pagkontrol ng diyabetis (Type 1 o Type 2);
- Diabetes Insipidus (isang bihirang problema sa hormon na nagiging sanhi ng matinding pagkauhaw at paglalabas ng ihi)
- ang mga pagbabago sa posisyon (mula sa posisyong patayo sa araw tungo sa paghiga nang lapat sa gabi ay nangangahulugan na mas maraming dugo ang maaaring dumaloy sa ibabaw ng mga bato (kidney), kaya mas maraming ihi ang nagagawa sa gabi);
- ligalig o sobrang maselang pantog (tulad ng impeksiyon ng pantog);
- sobrang aktibong pantog (tulad ng pagkatapos ng isang atake);
- pagbubuntis;
- putol -putol na pagtulog, tulad ng pagpunta sa kubeta dahil lamang sa ikaw ay gising; at / o
- ang pagtitibi o lumaking prostate ay maaaring dumiin sa leeg ng pantog at hindi agad maubos ang laman ng pantog. Ito ay maaaring maging sanhi ng pagtulo o pag-apaw ng ihi.
Tandaan: Iniisip ng ilang mga tao na kapag babawasan nila ang pag-inom ng tubig sa buong araw ay maaari nilang mabawasan ang kanilang mga problema sa pag-ihi sa gabi. Ito ay hindi tama. Ang hindi pagkakaroon ng sapat na inumin ay maaaring maging sanhi ng kakulangan ng mga likido at pagtitibi. Maaari din nitong gawing mas puro ang ihi. Maaari nitong mabulabog ang pantog at magbigay-daan upang ikaw ay mangailangang pumunta sa kubeta nang mas madalas. Ang hindi sapat na pag-inom ng tubig ay maaari ding maging dahilan ng pag-urong ng kalamnan ng pantog kayat hindi nito kayang maglaman ng mas maraming ihi, na nagbibigay- daan sa paglala ng pangangailangang umihi sa magdamag.
Reference:
https://www.continence.org.au/…/nocturia-going-to-the…